Tsinoy na project manager nasawi

April 11, 2022 Jonjon Reyes 114 views

MATINDING sakit ang naging dahilan nang pagkamatay ng isang 46-anyos na Fil-Chinese o “Tsinoy”, gabi nitong Linggo sa Manila Doctor’s Hospital sa United Nations (UN) Avenue, Ermita, Maynila.

Nakilala ang biktimang si Xinshui An, tubong Heibei, China, project manager ng Unimax Steel Structure and Construction Corporation, at nanunuluyan sa Stanford Tower Condominuim sa M.H. Del Pilar St., Malate.

Batay sa ulat na isinumiti ni Det. Jansen Rey San Pedro kay P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, bandang alas-8:30 ng gabi nang itawag sa kanilang opisina ang pagyao ng Tsinoy makaraang ideklarang patay ni Dr. Maybelyn Lumagui mga dakong 7:30 ng gabi.

Nauna rito, na-confine si An sa Charles W Selby Memorial Medical Center sa Diego Silang St., Punta Aparri, Cagayan at napag-alaman na may “acute gastroenteritis” ang biktima.

Tumagal ng dalawang araw sa naturang pagamutan ang nasabing project manager at inilipat ito sa Manila Doctor’s Hospital nitong Abril 9 2022, sa nasabing ospital sa UN Ave.

AUTHOR PROFILE