Muling ikinulong ang akusadong Chinese national dahil sa paglabag sa bouncing check law.
Tsino nasakote sa talbog na tseke
NAKAKULONG na lalo pang nadiin sa isa pang krimen ang 53- anyos na Chinese national matapos silbihan ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa bouncing check law sa Mandaluyong City Jail noong Miyerkules.
Nakilala ang suspek na si alyas Wilson ng Pedro Guevarra St., San Juan City.
Sa ulat ni Police Major Salvador Iñigo Jr., hepe ng Warrant and Intelligence Section ng Manila Police District, nahuli ang suspek bandang alas-2:00 ng hapon.