Sinisiyasat ng mga pulis ng MPD Moriones Police Station 2 ang sasakyan ng Chinese national na tadtad ng saksak sa katawan sa kanyang sasakyan.
Tsino nakitang dedo, tadtad ng saksak sa sasakyan
ISANG Chinese national ang natagpuang patay at tadtad ng saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan sa kanto ng Jose Abad Santos Avenue sa Tondo, Manila noong Martes.
Ayon sa saksing si Victor Corales, papasok na siya sa trabaho ng may lumapit na dalawang babae at humingi ng tulong sa kanya kaugnay sa lalaking sakay ng sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada.
Nakita ang biktima na nasa edad 50-55 anyos na wala ng buhay at duguan na nakaupo sa driver seat ng Avanza (CBM-4247).
Sa ulat kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng MPD Homicide Section, bandang alas-6:30 ng umaga ng matagpuan ang biktima.