Chinese

Tsino ikinulong ng kapwa Tsino dahil sa utang, nasagip

November 28, 2024 Edd Reyes 148 views

NASAGIP ng mga pulis noong Miyerkules ang Chinese national na pwersahang ikinulong ng dalawang kapwa Chinese sa Pasay City dahil umano sa hindi pagbabayad ng utang.

Naaresto rin ng mga pulis-Pasay ang mga suspek na sina alyas Jun at alyas Chen ng abutan sa pinagkulungang gusali sa biktimang si alyas Peng, 35, sa Newport City, Brgy. 183.

Sinabi ni Pasay police chief Col. Samuel Pabonita na ipinarating sa kanila ng isang alyas Lucila, 51, ang pagkulong ng mga suspek sa Chinese dakong alas-8:00 ng gabi noong Martes.

Inatasan ni Pabonita ang mga tauhan ng Pasay Police Sub-Station 9 na magsagawa ng follow-up na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek at pagkasagip sa biktima.

Kalaboso ngayon ang mga suspek sa custodial facility ng Pasay Police Station at nahaharap sa kasong illegal detention sa Pasay City Prosecutor’s Office.

AUTHOR PROFILE