Default Thumbnail

Tsikang hiwalayan nina Ai-Ai at Gerald lilinawin ni Boy

November 9, 2024 Vinia Vivar 147 views

Hiwalay na nga ba si Ai-Ai de las Alas sa mister niyang si Gerald Sibayan?

Ito ang lumulutang na tsika ngayon matapos magsalita ni Boy Abunda sa kanyang programang “Fast Talk” last Friday tungkol sa relasyon nina Ai-A at Gerald.

Ayon kay Kuya Boy, marami ang nakapansin na hindi binanggit ni Ai-Ai si Gerald sa nakaraang episode ng show niyang “My Mother, My Story,” kung saan ay guest niya ang Comedy Concert Queen.

Bukod dito ay may sinabi rin umano si Ai-Ai sa naturang episode tungkol sa takot niya na mag-isa.

“Ang una niyang sabi ay natatakot siyang mag-isa, ‘pero pag dumating man ang oras na ‘yun,” sabi niya, ‘palagay ko, kaya ko na,'” sabi raw ni Ai-Ai.

Marami rin umano ang pumuna na may kakaibang lungkot sa mga mata ng komedyana.

Kwento pa ni Kuya Boy, nang pumunta siya sa Amerika recently ay may common friend sila ni Ai-Ai na nagtanong kung hiwalay na nga ito sa asawa.”Ang sagot ko po ay hindi ko alam at ‘yun po ang totoo. Nu’ng ako’y nasa U.S., hindi ko talaga alam. Pero sabi ko, tatanungin natin dahil hindi lamang po artista ang turing ko kay Aileen (Ai-Ai), siya po ay pamilya. She is family to me,” sabi ng King of Talk.

Nakatakdang ipagdiwang ni Ai-Ai ang ika-60 taong kaarawan sa “Fast Talk with Boy Abunda” sa Lunes, at sey ni Kuya Boy, dito niya itatanong sa kaibigan ang tungkol sa tsikang hiwalayan.

“Kailangan ma-address ang katanungang ito. May mga nag-i-insist na hiwalay na, may mga nagsasabi naman na baka away-mag-asawa lamang. May mga nagsasabi namang hindi totoo.

Malalaman n’yo po ang totoo dito sa ‘Fast Talk with Boy Abunda,'” sey ni Kuya Boy.

AUTHOR PROFILE