Truck driver patay sa pananaga ng bolo

November 2, 2021 Francis Naguit 56 views

PINAGTATAGA umano hanggang sa mamatay ang isang 47-anyos na truck driver ng isang tricycle driver at pahinante ng truck Lunes ng gabi sa Sta.Mesa,Manila.
Kinilala ang biktima na si Ruel Saladores, residente ng 1012 Camia St. Sta.Mesa.

Arestado naman sa inilatag na follow up operation ang mga suspek na sina Fernando Bergonio,44,tricycle driver, ng 4929 Peras St.Sta.Mesa; at John Rey Galicia,20, pahinante.

Batay sa ulat na isinumite ni Det.Rodolfo Acosta III, kay P/ Lt. Adonis Aguila , hepe ng Manila Police District-homicide section, bandang 10:30 p.m. nang maganap ang krimen Peras St. S

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni Det. Acosta, naglalakad ang biktima kasama ang testigong si Jennifer Galicia sa isang eskinita sa Peras St. nang lapitan ng isang John Rey, kapatid ni Jennifer.

Kinumpronta umano nito ang biktima hinggil sa naging dating relasyon nito sa kanyang kapatid hanggang sa magsuntukan ang dalawa.

Dito na umano sumulpot si Bergonio na armado ng itak at pinagtataga umano ang biktima.

Naisugod pa sa Our Lady of Loirdes Hospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.

Sa follow up operation ng mga tauhan ng MPD-Police Station 8 , natimbog si Bergonio at narekober ang itak na ginamit umano nito sa pagpatay sa biktima.

Si John Ray ay inaresto habang nagpapagamot sa Ospital ng Maynila. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE