Trina nag-deny na may rich businessman BF
Nilinaw ng ex-girlfriend at ina ng anak ni Carlo Aquino na si Trina Candaza na hindi totoo ang tsikang mayroon siyang rich boyfriend.
Kumakalat kasi ngayon ang ispekulasyong may relasyon siya sa rich businessman na si Chucho Martinez dahil nakuhanan sila ng larawan na magkasama.
Medyo naba-bash nga ngayon si Trina dahil married man itong si Chucho although may tsika ring hiwalay na ito sa asawa.
Sa isang Instagram post ng ex ni Carlo kung saan ay ibinahagi niya ang mga blessing niya for 2024, isang netizen ang nagkomento tungkol sa tsikang rich BF niya.
Sey ng netizen, “Tama tong post na to para makita ng mga haters na hindi dahil sa rumored bf mo kaya mo naafford lahat. I know you’re better than those rumors. I look up to you as a single mom din.”
Sinagot naman ito ni Trina at nilinaw that she’s not in a relationship. Aniya ay nagsisikap siyang magtrabaho para mabuhay ang kanyang anak.
“I’ve heard the rumors about me nga. Pero no, I’m not dating anyone right now. And I work very hard to provide a good life for me and my daughter.
“I fully understand that there will always be assumptions from other people—and that’s okay. But I am the best person to tell my story because I live it,” pahayag ni Trina.
Ang tinutukoy niyang anak ay ang four-year-old daughter nila ni Carlo na si Mithi.
Matatandaang naghiwalay sina Trina at Carlo noong 2022 at sa ngayon ay happily married na ang aktor sa aktres na si Charlie Dizon.