Triker na most wanted suspect arestado

August 22, 2021 Francis Naguit 84 views

INARESTO ng mga tauhan ni PCol. Harry Lorenzo, hepe ng Jose Abad Santos MPD Station, ang isang lalaki na kabilang sa kanilang Top 3 most wanted suspects.

Kinilala ang inaresto na si Arnold Luna a.k.a Arnold Luna , 50, tricycle driver at nakatira sa 1005 Yuseco St., Tondo, Manila.

Si Luna ay hinuli dahil sa paglabag sa Section 5 Art. II of RA 9165.

Ang suspek ay may hinaharap na kaukulang kaso sa sala ni ni Judge Josifina E. Siscar ng RTC Branch 55 ng Manila.

Ang piyansa para sa provisional liberty ng naarestong suspek ay itinalaga sa P24,000 .

Si Luna ay inaresto sa Yuseco corner Narra Streets bandang 1:15 p.m. noong Aug 21, 2021 ng mga operatiba na pinangunahan ni PCpt. Darwin M. Serna ng PS-.

Ang suspek ay nasa sa custody ng PS-7. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON C. REYES

AUTHOR PROFILE