Trike, taxi driver timbog sa pangmomolestiya
NATIMBOG ng mga operatiba ang 42-anyos na tricycle driver at 57-anyos na taxi driver, dahil sa kasong “acts of lasciviousness” sa Bldg 14, Permanent Housing Brgy 128, Tondo,at Manila, Martes ng hapon.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel John Kawi Guiagui, chief ng District Intelligence Division (DID) ng Manila Police District, ang mga suspek na sina alyas “Jeffrey, ” tricycle driver, at alyas “Peter” 57, taxi driver, sa nasabing lugar,,
Sa pangunguna ni Police Major Kevin Rey Bautista, hepe ng District Police Intelligence Operation Unit ( DPIOU) bandang 3: 25 ng hapon nang arestuhin ang unang suspek.
Natimbog din ang taxi driver bandang 9:20 ng gabi sa parehong araw.
Ang mga suspek na tinaguriang mga most wanted person ng District Level ay naaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Hon.James T Sy, Presiding Judge, ng Regional Trial Court , Branch 4 , na may petsang July 5 2024.
Iniutos ng korte na maglagak ng piyansang P180,000ang bawat isa sa mga akusado para sa pansamantala nilang paglaya.