Default Thumbnail

Tricycle vs pick-up truck, tindera tigok

November 30, 2023 Jojo C. Magsombol 148 views

PATAY ang isang tindera matapos mabangga ng Nissan pick-up ang kanyang sinasakyang tricycle sa bypass road sa Brgy. Marawoy, Lipa City noong Lunes.

Namatay ang 36-anyos na vendor bandang ala-1:00 ng hapon nang tumbukin ng pick-up na minamaneho ng isang 80-anyos na lalaki at chairman ng Brgy. Inosluban, Lipa City.

Sugatan din ang dalawa pang sakay ng tricycle nang maganap ang aksidente na pawang residente ng Brgy. San Lucas, ayon sa mga imbestigador.

Sa lakas ng bangga tumilapon ang mga pasahero at drayber ng tricycle. Naisugod sa Ospital ng Lipa para magamot ang tatlo pero dead-on-arrival na ang tindera, ayon sa doktor.

AUTHOR PROFILE