Default Thumbnail

Tricycle drivers, operators, isali sa Pantawid Pasada – TODA

February 15, 2022 Paul M. Gutierrez 711 views

PaulISA sa mga isusulong ng TODA (numero 41 sa balota) sa Kongreso, sakaling manalo, ay ang pagsisiguro na maisasali sa programang Pantawid Pasada ang mga tricycle drivers at operators sa bansa na alam naman nating apektado rin sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo, bukod pa sa hambalos ng pandemya.

Malaking tulong din kasi ang P5,000 na ayuda sa petrolyo na naipamamahagi lamang sa mga lehitimong operator ng pampublikong jeepneys na may umiiral na prangkisa mula sa Land Transportation and Regulatory Board o LTFRB.

Sa mahalagang papel na ginagampanan ng sektor ng tatlong gulong upang makapunta sa kanilang patutunguhan ang mga kababayan nating naninirahan sa lugar na walang ruta ng iba pang pampublikong sasakyan, nararapat lamang na sila ay mapasama sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pasada.

Marami ang umaaray ngayon sa sunod-sunod na pagtataas ng presyo ng gasolina at sa liit ng kinikita ng tricycle drivers at operators, talagang malaking dagok para sa kanila ang patuloy na pagbibigay serbisyo sa publiko habang ganito ang takbo sa presyuhan ng produktong petrolyo.

Napapanahon na upang ang sektor ng tatlong gulong ay kilalanin bilang mahalagang bahagi ng ating lipunan na nangangailangan din ng suporta mula sa pamahalaan.

Sa kasalukuyan kasi ay suwerte na lamang sila kung mahagip ng ibang programa ng pamahalaan gayong walang partikular na proyekto mula sa national government ang direktang umaagapay sa kanilang linya ng hanapbuhay.

Kaya naman itinatag ang TODA na siyang magiging sandigan at boses ng tricycle drivers at operators sa Kongreso upang masigurong nabibigyang proteksyon ang kanilang kapakanan pagdating sa pagpapatupad ng mga alituntuning makaaapekto sa kanila.

Batid ng TODA partylist na bawat namamasaherong tricycle driver ay may pamilyang umaasa sa pamamasada nito kaya nararapat lamang na tugunan ang mga suliraning kinakaharap ng sektor na ito.

Kung maisasakatuparan nga ang inisyatibong ito kasama na ang iba pang mga prayoridad na programa ng TODA para sa tricycle drivers at operators, mas maayos na bukas ang naghihintay sa mga pamilyang Pilipinong umaasa sa sektor ng tatlong gulong.

Tama ba, ‘Boss’ Alvin Feliciano? Ngiti naman dyan, hehe.

AUTHOR PROFILE