Default Thumbnail

Tricycle driver tigok sa checkpoint

July 6, 2023 Jonjon Reyes 369 views

PATAY ang isang tricycle driver matapos makipagbarilan sa mga miyembro ng La Loma Police na sumita sa kanya sa isang checkpoint sa kanto ng Retiro at Cordillera St., Brgy. St. Peter, Quezon City.

Kinilala ni PLTCOL Romil Avenido, station commander, ang nasawing suspek na si Christian Acebes, 29, residente ng Sampaloc, Manila.

Ayon sa report, nangyari ang insidente bandang 12:30 madaling ng Hulyo 6, 2023 habang nagsasagawa ng checkpoint ang mga operatiba ng La Loma Police Station 1.

Dumaan ang humahagibis na tricycle na minamaneho ng suspek na sinita at sinenyasang huminto ng mga pulis.

Pero sa halip na huminto lalo pang binilisan ang pagpapatakbo ng tricycle.

Nauwi sa habulan hanggang sa makipagbarilan ang suspek sa N.S. Amoranto St.

Nakorner ang suspek sa Sampaloc, Manila matapos matamaan ng bala sa gitna ng engkwentro.

Agad siyang dinala sa Sampaloc Hospital ngunit idineklara siyang dead-on-arrival. Nina JON-JON C. REYES & Melnie Ragasa Jimena

AUTHOR PROFILE