PNR Ang nadiskaril na train ng PNR. Photo courtesy ng PNR

Tren ng PNR nadiskaril sa Pasay Road

April 18, 2023 Jun I. Legaspi 289 views

PANSAMANTALANG huminto ang serbisyo ng Philippine National Railways (PNR) matapos madiskaril ang biyahe ng isa mga train nito sa sa pagitan ng Pasay Road at EDSA stations Martes.

Sa mabilis na pagtutulungan ng mga personnel ng PNR, ligtas na nailikas ang lahat ng 400 pasahero at walang naiulat na nasaktan sa insidente.

Sa opisyal na pahayag ng PNR management, dakong 11:20 ng umaga, Abril 18, nang biglang huminto ang tren na biyaheng Alabang pagkalampas ng Don Bosco Crossing.

Samantala, tuloy ang serbisyo ng PNR sa Metro Manila ay sa rutang Gov. Pascual sa Malabon hanggang Vito Cruz Station at vice versa at Tutuban-Vito Cruz at vice versa, ayon sa pamunuan ng PNR.

Kasalukuyang nakalatag ang mga kawani ng PNR sa lugar ng insidente para sa agarang aksyon upang maibalik sa normal ang operasyon sa maagang panahon.

Ang sanhi ng insidente ay ini-imbestigahan ng pamunuan ng PNR.

AUTHOR PROFILE