TRB: No RFID tag, no RFID lane only entry

May 24, 2021 Jun I. Legaspi 165 views

IWASANG pumasok sa mga RFID only lanes kung walang RFID tags ang sasakyan nyo upang makaiwas sa traffic violation at multa, ayon sa spokesperson ng Toll Regulatory Board (TRB).

Ang reminder ay mula kay Julius Corpus, spokesperson ng agency, upang makaiwas ang mga motorista sa traffic citation ticket at P1,000 penalty.

Sa isang interview, sinabi ni Corpus pinapayuhan ang mga motorists na walang RIFD tags na sa mga cash lanes dumaan upang makaiwas sa traffic violation o apprehension.

Ayon kay Corpus, batay sa Land Transportation Office (LTO) Memorandum Circular ang nasabing violation ay “Disregarding Traffic Signs” at may kaukulang P1,000 penalty sa LTO.

Nilinaw ni Corpus na pwedeng pumasok sa lahat ng mga expressway ang mga motorists na walang RFID tags subalit sa mga designated cash lanes sila daraan.

Paalaala pa ni Corpus na upang makaiwas sa anumang abala at mabilis na biyahe sa expressway mas makabubuting palagyan ng RIFD ang mga sasakyan at sumunod sa mga traffic law.

AUTHOR PROFILE