Tulfo

Travel tax gusto alisin ni Sen. Tulfo

August 5, 2024 PS Jun M. Sarmiento 149 views

MAGHAHAIN si Sen. Raffy Tulfo ng panukalang batas para alisin na ang travel tax na sinisingil ng gobyerno sa mga Pilipino na bumibiyahe sa abroad.

Ayon kay Sen Idol, labag sa 1987 Constitution ang pago-obliga sa pagbayad ng travel tax bago makapag-abroad. Nakapaloob sa Article III, Section 6 ng Bill of Rights ang pagbabawal dito.

Ang Presidential Decree 1183 noong 1977 ang pinagbabasehan ng pamahalaan sa pagpataw ng travel tax sa mga naga-abroad.

Exempted sa pagbabayad ng travel tax sa ilalim ng PD 1183 ang mga overseas Filipino workers, sanggol, government officials at corporations na mago-official travel.

Ayon kay Sen. Tulfo, bilang chairperson ng Senate Committee on Public Services, nais niyang ma-repeal ang PD 1183 at isinusulong niyang magiging exempted sa travel tax ang lahat ng pasahero sa economy class.

Pero ang mga pasahero sa first and business class dapat magbayad pa rin ng luxury tax.