Gabutero Source: Screen grab mula FB post ni Peter Gabutero

Trak vs SUV sa Dumaguete City; 4 patay, 3 sugatan

June 24, 2024 Zaida I. Delos Reyes 179 views

APAT na tao ang patay habang sugatan ang tatlong iba pa sa salpukan ng kotse at cement mixer truck nitong Sabado ng madaling araw sa Barangay Batinguel, Dumaguete City, Negros Oriental.

Batay sa ulat ng Negros Oriental Police Provincial Office, kabilang sa mga nasawi ang isang lalaki at tatlong babae na lulan ng Toyata Avanza.

Isinugod sa Siliman University Medical Center ang mga nasugatan na nasa edad na 15, 17 at 19.

Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente dakong 4 a.m. sa kurbadang bahagi ng diversion road sa Barangay Batinguel.

Binabaybay ng Avanza ang naturang kalsada at pagsapit sa pakurbang daan ay sinalpok ito ng truck.

Dahils sa lakas ng impact ng aksidente, nagtamo ng grabeng pinsala sa katawan ang mga sakay ng kotse kung saan apat sa kanila ang nasawi.

Arestado naman ang driver ng truck at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicides and multiple physical injuries.

Sa kasalukuyan, patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa aksidente.