Default Thumbnail

Trak shoot sa bangin, 2 patay

July 31, 2023 Zaida I. Delos Reyes 342 views

DALAWANG lalaki ang nasawi matapos na mahulog sa 300 metro ang lalim na bangin ang sinasakyang 10-wheeler truck nitong linggo ng madaling araw sa Tabogon, Bogo City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Casimero Arriesgado , driver ng truck at pahinante niyang si Ronald Asoquen.

Batay sa ulat ng Tabogon Police, naganap ang aksidente dakong 12:30 ng madaling sa Barangay Libjo, Tabogon.

Napag-alaman na ang truck ay kargado ng iba’t ibang produktong paninda na ide-deliver sana sa Bogo City nang maganap ang insidente.

Ayon pa sa ulat, nahulugan at nasira ng truck ang bahay ng isang Editha Nacor.

Sa ngayon, dalawang anggulo ang tinitignan ng imbestigador sa insidente . Ang una ay dahil malakas ang ulan ay hindi nakita ng driver ang dinaraanan nito o di kaya naman ay nawalan ng kontrol sa manibela ang driver dahil matarik ang lugar.

Wala namang nasugatan o nadisgrasya sa bahay ng pamilya Nacor.

Naging pahirapanang retrieval operation sa mga labi ng mga biktima na umabot ng halos 12 oras.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.