Andres

Trailer ng ‘JayFer’ series may 7M views and counting

December 21, 2024 Ian F. Fariñas 122 views

ANG tindi ng shippers ng bagong tambalang “JayFer” nina Andres Muhlach at Astine Olviga dahil naka-seven million views agad ang trailer ng serye nilang “Ang Mutya ng Section E” sa loob lamang ng 24 oras.

Hatid ng Viva One at Studio Viva, nagkaroon ito ng grand mediacon kamakailan na dinaluhan din ng fandom ng dalawa. As expected, nakakabingi ang tilian sa loob ng Viva Cafe, lalo na nang lumabas na sina Andres at Ashtine para sagutin ang mga katanungan ng showbiz press.

Ayon sa dalawa, pati sila ay kinilig habang ginagawa ang kanilang mga eksena bilang Keifer Watson at Jay-Jay Mariano sa “Ang Mutya ng Section E” na dinirek ni Theodore Boborol.

Pag-amin ng binata nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez, “It feels really good. Tuwing may eksena kami ni Ash, kinikilig ako. Kahit si Direk, minsan he will play music.”

Dagdag niya, “This role talaga is a lot different from the mga projects that I’ve done. I mean the project that is ‘Da Pers Family.’ But, you know, it’s really a learning experience that I really, truly enjoyed.”

“Answered prayer” naman si Andres para kay Ashtine dahil sa dami na ng kanyang naka-loveteam, kay Andres lang siya nag-click.

“‘Di ko in-expect. Siyempre, Andres Muhlach na ’yan. Sobrang grateful. Parang answered prayer. May kilig,” patuloy niya.

Maging si Direk Theodore, sinabi na ramdam niya ang lakas ng chemistry ng dalawang bida.

Pati nga raw staff ng serye na base sa phenomenal Wattpad story na “Eatmore2behappy” ni Lara Flores, kinikilig kina Andres at Ashtine.

“Sanay na ’ko. Kumbaga, ang dami ko nang dinidirek na kilig moments kaya mas tinitingnan ko mga staff, at kinikilig sila,” sey ng direktor.

“So, level 9, kasi hindi pa sila, eh. ‘Pag sila na siguro 10,” patuloy niya.

Samantala, ka-trianggulo ng JayFer sa “Ang Mutya ng Section E” si Rabin Angeles, na gumaganap sa papel ni Yuri Hanamichi, ang JaPinoy best friend ni Keifer.

Nasa cast din ang iba pang Viva Artists Agency (VAA) talents tulad nina Andre Yllana, Heart Ryan, Charles Law, Sara Joes, Axel Torres, Keagan de Jesus, Ethan David, Frost Sandoval, Nic Galvez, Sam Shoaf, AJ Ferrer, Michael Keith, Kurt Delos Reyes, Martin Venegas, Kyosu Guinto, Daniel Ong, Yanyan De Jesus, Derick Ong, Alex Payan, Angela Muji, Rafa Victorino, Jastine Lim, Rommel Luna, at Zeke Polina, atbp.

Sa December 27 nakatakdang ipalabas ng Viva One ang primer ng series na pinamagatang “Ang Mutya ng Secrion E: The Class Begins”. Ang pilot naman ay magsisimula sa January 3, 2025 with new episodes every Friday, exclusively on Viva One.

AUTHOR PROFILE