Liza

Trailer ng animated series ni Liza sa Netflix, nag-trending

May 21, 2021 People's Tonight 273 views

TreseLUMABAS na sa social media ang trailer ng animated series na Trese. Mapapanood ito sa Netflix simula sa June 11.

Eh, ang espesyal sa Trese, isa si Liza Soberano sa mga nasa likod ng boses ng bida na si Alexandra Trese.

“Still can’t believe I get to be part of this. It’s an honor to be the voice of Alexandra Trese and I can’t wait for June 11. There’s still so much more you haven’t seen yet,” caption ni Liza sa trailer ng Trese sa kanyang Instagram.

Trending sa Twitter ang hashtag na #Liza paglabas ng trailer. Tagalog ang gamit ni Liza sa boses.

Ang isa pang Pinay na bahagi rin ng series ay si Shay Mitchell na English naman ang gamit sa boses.

Panalo sa fans ni Liza ang boses niya sa Trese.

SANYA, LALANTAD NA SA ‘AGIMAT…’

DOUBLE excitement ang Sabado para sa Kapuso televiewers.

Lalantad na si Sanya Lopez sa weekly series ni Senator Bong Revilla Jr. na Agimat ng Agila.

Good news ito para sa fans ni Sanya na sabik nang makita ang character ng aktres sa fantaserye.

Bago ito, isang fresh episode ang handog ng Wish Ko Lang dahil bibida si Rochelle Pangilinan na triplets ang character at magkakagusto sa isang lalaki, huh!

Pagdating sa gabi, nakakaintrigang kuwento naman ang hatid ng Magpakailanman na Husband For Sale. Bida rito sina Carla Abellana, Katrina Halili at Rafael Rossell. Ni JUN NARDO

AUTHOR PROFILE