Trabaho

Trabaho sa mga Marikeño: “Karapatang maghanap-buhay para sa lahat”

March 22, 2025 People's Tonight 212 views

PLATAPORMA ang inihain ng TRABAHO Partylist sa mga residente ng Marikina sa isang pagpupulong na ginanap sa Brgy. Calumpang nitong ika-17 ng Marso 2025.

Naging progresibo at makabuluhan umano ang nasabing pagpupulong dahil personal na naiparating ni TRABAHO nominee Nelson “kagawad Nelson” de Vega ang mga magiging aksyon ng grupo para sa mga manggagawa.

“Ang Trabaho ay naniniwala na dapat hindi inaalisan ng karapatan na makapaghanap-buhay ang lahat [ng Pilipino], lalung-lalo na ang ating mga senior citizen at PWD [persons with disability],” pagdidiin ng kagawad.

“Ano po ang ating kailangan? Yun po ang Trabaho,” pakilala ni konsehal Rommel “Kambal” Acuña sa grupo.

Ang Trabaho, bilang 106 sa balota, ay nagsusulong ng kalidad na trabaho, patas na oportunidad, sapat na sahod, at dagdag na benepisyo para sa bawat manggagawa.

Maliban sa grupo, nagpahayag din si Acuña pati na rin sina konsehal Carl Africa at Jasper So ng kani-kanilang mga plataporma para sa kanilang mga nasasakupang Marikeño.

AUTHOR PROFILE