Trabaho

Trabaho Partylist ‘top priority’ ang job creation; 89% ng Pilipino suportado ang plataporma —SWS

March 3, 2025 People's Tonight 208 views

KAUNA-UNAHANG prayoridad ng Trabaho Partylist ang pagpapalakas ng job creation o pagpapalaganap ng trabaho at oportunidad–plataporma na hangad ng mayorya ng Pilipino na isinusulong ng TRABAHO Partylist sa darating na 2025 midterm elections.

Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS, tinatayang 89% ng mga Pilipino ang boboto sa mga kandidato na isusulong ang platapormang job creation upang maresolba ang hamon sa ekonomiya ng bansa.

Dagdag dito, tinatayang 88% naman ng mga Pilipino ang boboto para sa mga kandidatong poprotektahan ang mga karapatan ng mga manggagawa, pati na rin ang pagsiguro ng kapakanan ng mga overseas Filipino workers o OFWs.

Ayon sa tagapagsalita ng TRABAHO Partylist na si Atty. Mitchell-David Espiritu, isinusulong ng grupo ang mga mahahalagang plataporma na malapit sa puso ng nakararaming Pilipino.

Bukod sa pagpapataas ng sahod, pati na rin non-wage benefits ang isinusulong ng Trabaho Partylist upang mapagbuti at maging disente ang pamumuhay ng Pilipinong manggagawa.

Giit ng TRABAHO Partylist, layon nila mapagaan ang buhay ng mga manggagawa at mapataas ang productivity ng bawat isa upang mapalakas ang ekonomiya.

Isusulong din ng TRABAHO Partylist ang karagdagang benepisyo tulad ng flexible working arrangements at transport allowance, bagay na tututukan nila sa Kongreso.

Mahalaga rin aniya tiyaking may sapat na suporta ang pamahalaan at pribadong sektor sa mga manggagawa sa patuloy na pandaigdigang hamon sa ekonomiya.

AUTHOR PROFILE