Top radio anchors, tampok sa mga bagong programa ng Radyo5
Ngayong 2023, kasabay sa pagsalubong ng Chinese New Year, maririnig na ang tunay na tunog ng serbisyo publiko sa mga bagong programa ng Radyo5 92.3 FM na kaakibat ng bagong tagline ng istasyon: “Ito na ang totoong tunog ng Serbisyo Publiko!”
Nangunguna sa listahan ng mga bagong handog ng Radyo5 ang radio program ng go-to love guru ng bansa, ang Dr. Love ni Bro. Jun Banaag.
Mula Lunes hanggang Biyernes, 10 p.m. to 12 mn, tutulungan ni Bro. Jun ang mga magkarelasyon sa kanilang mga love problem at gagabayan sila sa mga pinagdadaanan nilang mga pagsubok.
Sa Enero 23, mapapakinggan na ang iba pang mga bagong weekday programs tulad ng Bangon Bayan with Mon mula 4 hanggang 6 a.m., Sagot Kita! ni Cheryl Cosim mula 4 hanggang 5 p.m., Good Vibes nina Laila Chikadora at Stanley Chi mula 6:30 hanggang 8 p.m., at Pinoy Konek ni Danton Remoto mula 8 hanggang 9 p.m.
Gigisingin ng morning energy ni Mon Galvez ang mga listener sa kanyang infotainment program na Bangon Bayan with Mon.
Ipadadama naman ni Cheryl ang kanyang passion for public service sa Sagot Kita! sa kanyang pagtulong sa mga Pilipinong idudulog ang kanilang pangangailangang makipag-ugnayan sa mga government agencies.
Hatid naman nina Laila at Stanley ang lighter side ng mga balita sa kanilang programa na Good Vibes. Ibabahagi ng duo ang latest pop culture at social media trends na tiyak na mai-enjoy ng mga guest at caller.
Pagdating naman sa usapang OFW, handang tumugon si Danton Remoto sa Pinoy Konek, na magkukonekta sa mga listener at magbabahagi rin ng mga napapanahong usapin at magtatalakay ng modern at folk literature, musika at Philippine history.
Ang Radyo5 ang tahanan ng mga nangunguna at respetadong radio anchors sa bansa.
Patuloy ito sa paghahatid ng mga kilala at tinatangkilik na radio programs tulad ng Ted Failon and DJ ChaCha, Cristy Ferminute ni Cristy Fermin at Wanted sa Radyo ni Sen. Raffy Tulfo.