Andre P. Dizon MATATAG NA KAMPANYA KONTRA KRIMINALIDAD – Ito ang ipinahayag ni MPD chief PBGen. Andre P. Dizon sa kapulisan ng Maynila upang maging aktibo sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa Lungsod ng Maynila. Kuha ni JON-JON REYES

Top lead: Weekly accomplishment report:

June 19, 2023 Jonjon Reyes 410 views

MPD, nakasabat ng higit P1.7M na iligal na droga

MULI na namang ibinida ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang kanilang mapayapang isang linggong operation accomplishment report mula Hunyo 11 hanggang Hunyo 18, matapos makapagtala ng mahigit P1,718,200 milyong halaga ng nakumpiskang iligal na droga.

Ayon kay MPD Public Information Office (PIO) Chief Police Major Philipp Ines, malugod na ibinabahagi ng tinaguriang “The Game Changer General” na si MPD Director Police Brigadier Gen. Andre P. Dizon ang sunod-sunod na operasyon ng mga kapulisan mula sa Station 1 hanggang Station 14 at maging ang mga Intelligence Unit ng MPD dahil na rin sa pagtalima sa “public transparency” at “access to public information.”

Sa ulat, ang mga isinagawang operasyon mula Hunyo 11 maging ang patuloy na 24/7 police operations ng iba’t-ibang presinto, naaresto ang 54 suspek na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 123.4 gramo ng shaby at limang gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana o “kush” na nagkakahalaga ng P1,718,200.

Naitala naman ang kampanya kontra iligal na sugal at umabot sa P43,478 na bet money ang nakumpiska at nakaaresto ng 81 suspek kabilang na ang mga criminal umano at wanted sa batas.

Umaabot naman sa siyam na indibidwal ang dinakip dahil sa iligal na pagdadala ng baril at loose firearms.

Kasama rin sa ulat ang 2,474 katao na inaresto dahil sa samu’t saring paglabag sa ordinansa sa Lungsod ng Maynila, special laws at paninigarilyo sa pampublikong lugar.

Kabilang rin ang 954 naman dahil sa obstruction, hindi pagsusuot ng pang-itaas na kasuotan (982) at 13 sa iba pang paglabag sa city ordinances.

Iniulat din ang mga nasita at hinuli sa paglabag sa batas trapiko na umaabot sa 465, ayon sa pagtatala ng ng District Traffic Management Unit ng MPD.

“The Manila Police District is committed to a proactive brand of policing and will be tenacious in our anti-criminality campaign to ensure public safety and public order in the city of Manila,” pahayag naman ni Dizon.

AUTHOR PROFILE