Default Thumbnail

Top 3 MWP arestado ng MPD Station 4

August 27, 2021 Francis Naguit 326 views

Arestado sa pinagsanib puwersa ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Warrant Section at MPD Station 4 ang isang lalaki na kabilang sa Top 3 most wanted person.

Sa kaniyang tirahan sa Blk 11 Lot 11 San Pedro Village, Bgy. Tagpos, Binangonan, Rizal, inaresto ng mga tauhan ng MPD Police Station 4 Miyerkules ng gabi sa bisa ng warrant of arrest ang akusado na si PJ Villanueva Magbual, 37, may-asawa.

Pinangunahan ni PLt Laureano Larry Daliglig ng Intelligence Section at PLt Joseph Villafranca ng Warrant/Investigation section, kasama ang mga tauhan ng Binangonan Provincial Police Office at si PLT Col Gene Licud, MPD Station 4 commander sa Sampaloc, Manila, ang pagsilbi ng warrant of arrest laban sa akusado.

Ayon sa MPD, may kinahaharap na kasong paglabag ng New Anti-Carnapping Act of 2016 ang akusado sa sala ni Maria Josefina Goseco San Juan-Torres, presiding judge ng Branch 79 Regional Trial Court ng Morong, Rizal.

Nakakulong ngayon sa custodial facility ng MPD Station 4 ang akusado para sa mugshot at fingerprint bago ang turn over sa kanya sa court of origin. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON C. REYES

AUTHOR PROFILE