Athena Larawan mula sa IG/Athena Red

‘Too hot to handle’

January 2, 2025 People's Tonight 173 views

TOO hot to handle, too stunning to ignore.”

Iyan ang naging banat ng Vivamax actress na si Athena Red sa mga scroll-stopping niyang mga larawan sa social media.

Sino ba namang barakong hindi mababaliw sa mga pagpapatakam ng sexy star sa Instagram page nito.

Sa isa nga niyang post, talaga namang naloka ang netizens sa new hottie in town sa pasabog poses nito sa mga pictures.

Bet na bet naman ng kanyang male fans ang tindig ni niya, sure na laman na naman ng pantasya si Athena.

Bukod sa apelyido niyang Red, tila kadikit na nga yata ni Athena ang kulay pula. Mula sa background at lighting ng pictures hanggang sa two-piece underwear niyang suot, pula ang makikita.

Tila naghuhurumintadong mga toro ang mga kalahi ni Adan nang tamaan ng kanilang paningin ang ganda ng pigura ni Athena sa kulay pula niyang suot. Parang bet na bet magalit ng kanilang mga nakakubling “sungay”.

Tamang timpla ang kanyang innocent vibes at hotness. Sino ba namang hindi mahuhulog sa kanyang mestiza beauty na nagmula sa pinaghalo-halong lahi na Pinoy, Kuwaiti, at Espanyol.

Nawindang ang mga kelot niyang followers sa post, kaya naman pinaulanan nila ng puso ang mga larawan ng sexy star.

Naitampok na si Athena sa ilang proyekto ng Vivamax nitong nagdaang taon kabilang na ang ‘Maharot,’ ‘Pintor at Paraluman,’ at ‘Undergrads.’

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar