Dabarkads

Tony Tuviera naiipit sa banggaang TVJ at TAPE, hindi nagsasalita

June 11, 2023 Aster Amoyo 715 views

TV5EBEB1NAKAISANG linggo na last week ang bagong “Eat Bulaga” kung saan kabilang sa mga bagong hosts sina Paolo Contis, Buboy Villar at Betong Sumaya kasama ang twins ng mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na sina Mavy at Cassy Legaspi at iba pa. Sila bale ang new breed of hosts na ipinalit sa iconic triumvirate ng Tito, Vic & Joey nina dating Senate President Tito Sotto, Vic Sotto Sotto at Joey de Leon kasama ang bumubuo ng Dabarkads na sina Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola, Ryan Agoncillo, Paolo Balleseros, Maine Mendoza at Ryzza Mae Dizon na magkakasunod na nag-resign sa TAPE, Inc. (producer ng “Eat Bulaga”) last May 31, 2023.

Sa darating na July 30, 2023 ay ika-44th anniversary ng longest noontime program on Philippine television pero magiging kakaiba ang selebrasyon ng “Eat Bulaga” dahil wala na roon ang original hosts.

Since day 1 ng pagsisimula ng mga bagong host at mukha ng “Eat Bulaga” ay katakut-takot ng bashing ang tinatanggap ng producer (TAPE, Inc.) maging ng mga hosts mula sa netizens.

Definitely, mahirap i-fill-up ang vacuum na iniwanan ng TVJ at ng Dabarkads na siyang kinasanayan at kinalakihan ng mga manonood.

The new hosts will definitely suffer in comparison sa mga dating host. Kung tutuusin, walang kasalanan ang bagong hosts ng new “Eat Bulaga” pero sila ngayon ang naba-bash. Marami rin ang nagsasabi na hindi umano magtatagal sa ere ang programang iniwan ng TVJ at ng Dabarkads at ilang key production officers and staff ng programa.

Tila naiipit din sadalawang nag-uumpugang bato ang dating president & CEO ng TAPE, Inc. na si Antonio `Tony’ Tuviera dahil part-owner siya ng kumpanya with 25% share at longtime friend at business partner niya ang businessman at dating politician na si Romeo `Romy’ Jalosjos, Sr. at pamilya naman ang turing niya kina Tito, Vic & Joey maging ang Dabarkads at bumubuo ng production staff ng dating “Eat Bulaga”.

Will Mr. T (Tuviera) sell his share to the Jalosjos or other investors to join the group of TVJ na magkakaroon na ng bagong show on TV5?

The recent takeover ng management ng TAPE, Inc. ng Jalosjos children ang naging daan ng hindi pagkakaunawaan between the new management at ng TVJ lalupa’t gusto nghuli na tanggalin ang ilang bumubuo ng Dabarkads tulad nina Maine Mendoza, Ryan Agoncillo, Paolo Ballesteros at Ryzza Mae Dizon at i-cut down ang mga suweldo ng mga host at production staff at palitan na rin ang ibang popular segments ng programa. Dito umalma ang TVJ na siyang nagging daan ng kanilang hindi inaasahang pagre-resign sa TAPE, Inc. on May 31, 2023, ang araw na hindi na sila pinayagang um-ere kaya ginamit na lamang ng tropa ang Facebook Live account ni Maine Mendoza maging ang YouTube account ng “Eat Bulaga” para makapagpaalam at magpasalamat sa mga manonood na naging loyal sa kanila sa almost 44 years.

Marami rin ang nagsabi na dapat daw ay nag-isip na lamang ng ibang pangalan o titulo ng bagong noontime show ang TAPE, Inc. dahil ang “Eat Bulaga” ay identified sa TVJ at saDabarkads.

Kung hindi kami nagkakamali ay may ongoing legal issue ngayon as to the real owner of “Eat Bulaga!” which was coined by Joey de Leon, isa sa TVJ habang ang theme song naman ay kinompos ni Vic Sotto.

Nakaabang naman ang mga loyal televiewers ng TVJ at ng Dabarkads sa kanilang bagongtahanan, ang TV5 o Kapatid Network sa kanilang pagsisimula sa unang linggo ng Hulyo. “Eat Bulaga” ba ang kanilang gagamitin o “Dabarkads” o bagong title na?

Between now and up to the end of the month of June ay marami pang bagong development ang mangyayari.

Samantala, magmula nang mawala sa poder si G. Tuviera bilang president/ CEO ng TAPE, Inc. ay hindi pa ito nagsasalita o nagbibigay ng pahayag tungkol sa isyu.

Tatlo sa mga anak ng businessman at dating kongresista na si Romy Jalosjos na sina Jon-Jon, Bullet at Soraya ay may mga bagong katungkulan sa TAPE, Inc.

Ang businessman at dati ring politician na si Romeo `Jon-Jon’ Jaloslos, Jr. ang siyang tumatayo ngayong bagong president/CEO, head ng Finance naman si Bullet habang Executive Vice President for Production naman si Soraya.

Si Bullet at kapatid nitong si Lana Jaloslos ay mga anak ni G. Romy Jolosjos, Sr. sa dating singer na si Lourna Pal. Si Lana ay isa ring singer at dating politician at nagging bahagi rin ng “Eat Bulaga” for sometime.

John inihatid na sa huling hantungan

John1INIHATID na sa kanyang huling hantungan sa Manila Memorial Park in Sucat, Paranaque kahapon ng hapon (June 11) ang actor na si John Regala (John Paul Guido Boucher Sheerer in real life), 55, na sumakabilang-buhay nung nakaraang June 3, 2023 due to multiple ailments including cirrhosis of the liver at chronic kidney disease.

Nais ng kanyang maybahay na si Victoria “Vicky”/”Gina” Alonzo-Sheerer na pasalamatan ang Iglesia ni Kristo sa pamumuno ni Eduardo Manalo dahil sa kanilang walang humpay na tulong sa kanyang mister nung ito’ynabubuhay pa hanggang sa kanyang pagyao.

Ang INC ang nagbigay ng shelter kay John by providing him a condo unit. He was also in and out of the New Era Hospital na pag-aari ng INC maging sa wake at burial ng actor.

Ang INC rin ang namahala noon sa yumaong ina ng actor, ang dating actress na si Ruby Regala na sumakabilang-buhay sa Amerika.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE