Tony

Tony nahihirapang kumalas sa sexy image

January 24, 2025 Aster Amoyo 100 views

JessicaISA sa unang maiisip kapag nabanggit ang pangalan ni Binibining Marikit star Tony Labrusca ay ang pagiging sexy actor nito.

Ayon kay Tony, matagal na niyang gustong makawala sa imaheng iyon.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, January 23, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung kumportable ba si Tony sa imaheng nakadikit na sa kaniya. Ang sagot ng aktor, “Yes and no.”

Paliwanag ni Tony, “Kasi parang lagi nilang ine-expect na maghuhubad ako or may sexy angle, which can be good, masaya rin naman minsan, okay naman. Nothing wrong with people thinking you’re sexy.”

Ngunit ayon sa aktor, “Pero minsan kasi ang hirap kasi gusto ko rin ng ibang image. So ang hirap kumalas.”

Samantala, dahil napag-usapan na nila ang pagiging sexy, tinanong ng batikang host kung sino para sa kaniya ang sexy ngayon, mapababae man o lalaki.

Ang unang pangalan na binanggit ni Tony, ang kaniyang Binibining Marikit leading lady na si Herlene Budol.

“Of course, Herlene, Herlene Budol, para sa’kin, Pokwang, Pokwang is very sexy, and I mean this, I truly do. And three, I would say my counterpart sa series na ‘to, si Kevin Dasom,” sabi ni Tony.

Nang tanungin naman si Tony kung sino pang Kapuso actress ang gusto niyang makatrabaho, ang sagot ng aktor, “At the top of my mind, Sanya Lopez.”

Jessica magbabago ang style bilang judge

Jessica1NGAYONG 2025, gagampanan ni Jessica Villarubin ang role na inampalan sa “Tanghalan ng Kampeon 2025″ sa TiktoClock.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Jessica, inilahad ng Queendom Diva na magbabago ang kanyang style bilang inampalan.

“This 2025, kasi ako talaga as inampalan, may pagka-funny or something. Ngayon, magiging serious ako sometimes pero may pagka-funny din naman. Siguro may pagka-funny pa din pero strikto din.”

Makakasama ni Jessica sa “Tanghalan ng Kampeon 2025″ bilang inampalan sina Renz Verano at Daryl Ong.

Inilahad din ni Jessica na nagbabasa siya ng comments ng netizens sa kanyang role bilang inampalan.

“May nababasa akong negative at positive, parte naman ‘yun ng trabaho namin. Mayroon din ako nababasa na masaya sila sa pagiging funny ko.”

Pag-amin pa ni Jessica, may nababasa rin siyang may mga hindi sumasang-ayon sa kanilang desisyon.

“Minsan hindi rin sila nag-a-agree sa mga judgment namin. Okay lang ‘yun, part din naman ‘yun ng show.”

Masaya pa rin ang “Tanghalan ng Kampeon 2025” inampalan na si Jessica dahil sa mga comments na kanilang natatanggap.

“Masaya din kami na marinig ‘yung comments ng ibang tao.”

Tutukan ang laban ng mga Pilipinong may pusong kampeon sa “Tanghalan ng Kampeon 2025” sa TiktoClock!

John at Isabel ipinatatayo na ang dream house

JohnKASALUKUYANG ipinatatayo nina John Prats at Isabel Oli ang dream house ng kanilang pamilya.

Sa latest post ni John sa Instagram, makikita ang ilang photos nila ni Isabel na mayroong kaunting pasilip sa pinapagawa nilang tahanan.

Kakabit ng kanilang photos ay ang caption ni John, kung saan mababasa na excited na sila ni Isabel na bumuo ng marami pang magagandang memories kasama ang kanilang mga anak.

“Eto na ang pangarap naming na tahanan. Super excited to create more beautiful memories with our kids,” sulat ng actor-director.

Ayon pa kay John, lubos nilang ipinagpapasalamat ang mga biyaya na kanilang natatanggap.

“Thank you, Lord God, for everything. We lift it all to You,” dagdag niya.

Matatandaang isinagawa ang groundbreaking para sa dream house ng Prats family noong May 2024.

Ang celebrity couple na sina John at Isabel ay loving at hands-on parents sa kanilang tatlong anak na sina Lilly Feather, Daniel Freedom, at Lilla Forest.

New season ng MAKA mapapanood na

PicPic1SIMULA February 1, mapapanood na tuwing Sabado ang bagong season ng hit youth-oriented show ng GMA Public Affairs na MAKA.

Magbabalik sa MAKA season 2 ang Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Olive May, John Clifford, Chanty, Sean Lucas, at May Ann Basa.

Muli ring makakasama sa teen show ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.

Madadagdagan ang paboritong Gen Z barkada ng bagong cast members na sina Elijah Alejo, Bryce Eusebio, Shan Vesagas, at Josh Ford.

Si Frasco Mortiz ang director para sa ikalawang season ng MAKA.

AUTHOR PROFILE