Tony

Tony lusot sa kaso, tuloy ang career

May 9, 2022 Aster Amoyo 570 views

MARAMING fans ang natuwa para sa 26-year-old Fil-American actor na si Tony Labrusca nang malamang aktibo itong muli sa paggawa ng pelikula. Katunayan, may bago itong movie, ang “Breathe Again” under Viva Films na pinagtatambalan nila ng dating beauty queen-turned actress na si Ariella `Ara’ Arida kung saan din tampok sina Jela Cuenca at Ivan Padilla. Ang nasabing pelikula ay directorial debut ni Raffy Francisco na kilala sa pagdidirek ng mga TV commercials. Ito’y mapapanood sa Vivamax streaming app sa darating na June 3.

Masayang humarap sa isang face-to-face press conference si Tony along with the rest of the cast at director ng movie dahil dito niya ibinahagi ang pagkakabasura ng kasong inihain laban sa kanya na may kinalaman sa act of lasciviousness at slight physical injury.

Sobrang na-miss ni Tony ang paggawa ng TV series at pelikula dahil na rin sa pandemic at umaasa siya na muli siyang magiging busy ngayong nagluwag na ang health protocols.

Si Tony ay sumali noong 2016 sa sa Pinoy Boyband Superstar pero hindi siya pinalad na manalo pero sinuwerte naman siya sa larangan ng pag-arte. Sumikat din siya nang husto nang mag-trending ang kanyang McDonald’s TV commercial in 2016 na naging daan niya sa kanyang pagpasok sa showbiz.

His acting debut happened in TV5’s “Wattpad Presents…” in 2017 na nasundan ng kanyang pagiging bahagi ng action-fantasy series na “La Luna Sangre” na pinagbidahan ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Magmula noon ay tuluy-tuloy na ang mga proyektong dumarating kay Tony both sa paggawa ng TV series at maging sa pelikula.

Si Tony ay anak ng actor na si Boom Labrusca at ni Angel Jones. Si Boom ang mister ngayon ng aktres na si Desiree del Valle.

Kat

Kat palaban sa hubaran

PALABAS sa Vivamax streaming app simula last Friday, May 6 ang sexy movie na “Doblado” na dinirek ni GB Sampedro at tinatampukan ng sex sirens na sina Denice Esteban, Stephanie Raz at Kat Dovey kasama sina Mark Anthony Fernandez, Kier Legaspi, Josef Elizalde at Gwen Garci among others.

Si Kat ay nagtatrabaho sa real estate business in United Kingdom nang ito’y mag-desisyon na bumalik ng Pilipinas para malapit sa kanyang maternal grandmother. Nagkataon namang close na magkaibigan ang kanyang mommy at ang dating sexy star na si Lara Morena na siyang nagdala sa kanya sa Viva. Since then ay nakagawa na siya ng limang pelikula at pinakabago itong “Doblado” na palabas ngayon sa Vivamax.

Inamin ni Kat na sa simula ay against sa kanyang pagpapa-seksi ang kanyang mommy pero sa kalaunan ay pumayag na rin ito.

Tulad ng ibang mga sexy stars and actresses ng Viva, wala ring limitasyon si Kat pagdating sa hubaran dahil naniniwala siya na this is an art form.

“We were all born naked, so bakit ka mahihiyang maghubad?” diin niya at the final digital presscon ng “Doblado” na pareho nilang dinaluhan ni Denice.

Samantala, hindi rin nahihiya si Denice sa kanyang pagpapa-seksi matapos siyang maging miyembro ng P-Pop ng Viva. Pinaliwanagan umano niya ang kanyang pamilya at naging supportive naman umano ang mga ito sa kanya.

Winwyn

Sa Facetime ipinakita ni Winwyn ang anak

HANGGANG ngayon ay hindi pa personal na nakikita ng actor-comedian at dating politician na si Joey Marquez ang kanyang unang apo sa anak na si Winwyn Marquez na si Baby Luna. Pero ang baby ay ipinakita na ni Winwyn sa kanyang ama at sa present partner nitong si Malu Quintana sa pamamagitan ng Facetime.

Boy ang unang apo ni Joey sa kanyang panganay na anak sa kanyang ex-wife na si Alma Moreno na si Yeoj.

Tuwang-tuwa rin si Alma sa kanyang unang apo sa anak.

Although may Baby Luna na si Winwyn with his partner, wala pa ring lumulutang na kasalan sa dalawa.

Gusto munang i-enjoy ng aktres ang kanyang bagong silang na baby bago siya mag-balik-showbiz.

Ang pagsilang kay Baby Luna ay ibinahagi ni Winwyn sa kanyang Instagram account last May 1.

It was in December 2021 nang aminin ng beauty queen-actress ang kanyang pagbubuntis kay Baby Luna courtesy of her non-showbiz boyfriend na hindi pa rin niya ipinakikilala hanggang ngayon sa publiko.

Sarah

Sarah pwedeng sundan ang yapak ni Dayanara

NASA Pilipinas ngayon ang 2021 Miss Universe –Spain na si Sarah Loinaz (23) at nag-post ito ng picture nila ng Kapuso actor na si Alden Richards. Walang sinabi si Sarah kung may pagkakataon silang magkitang muli ng actor whom she finds handsome and humble.

Nakipagkita rin si Sarah sa Viva big boss na si Boss Vic del Rosario kaya hindi kami magtataka kung naisin ng beauty queen na subukan ang showbiz career dito sa Pilipinas. Tulad ito ng ginawa noon ng dating Miss Universe na si Dayanara Torres na bukod sa paggawa ng ilang pelikula at TV shows sa Pilipinas ay na-in love pa sa actor na si Aga Muhlach.

Since magtatapos na ang reign ni Sarah, she might as well try her luck in showbiz either in Spain or sa Pilipinas where she has a good future.

Sarah is single at hindi umano malayong ma-in love siya sa isang Filipino. Gustong-gusto rin niya ang mga Filipino food.

Sarah is currently in the Philippines kasama ang editor-publisher ng Dubai-based magazine, ang Xpedition na si Josh Rugen. Si Alden ay nakapag-cover na sa nasabing magazine in 2019. Maganda siguro kung pagsamahin sina Alden at Sarah sa cover ng magasin, gayundin sa isang movie project.

Kris

Kalusugan ni Kris nakababahala

HINDI natuloy ang flight patungong ibang bansa ng tinaguriang ~Queen of All Media’ na si Kris Aquino for further treatment dahil sa pagtaas ng kanyang BP (blood pressure). Hindi umano pinayagan ng kanyang doctor si Kris dahil umabot umano sa 140/92 ang kanytang BP.

Nakaka-alarma ang patuloy na pangangayayat ni Kris.

Matagal-tagal na ring napapabalita ang further treatment ni Kris sa ibnag bansa pero hindi ito matuluy-tuloy dahil patuloy na mino-monitor ng kanyang mga doctor ang kanyang kundisyon.

Masyadong nagwu-worry si Bimby for his mom’s health condition na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumagaling.

SUBSCRIBE, like, share and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE