Tonton

Tonton, hands off sa pulitika

October 11, 2021 Ian F. Fariñas 435 views

AMINADO si Tonton Gutierrez na isa siya sa mga artista na ilang beses nang inaalok na kumandidato tuwing eleksyon.

Maging sa hometown daw nila sa Pampanga, may mga lumalapit sa aktor para kumbinsihin siyang tumakbo sa kung anumang posisyon.

Pero matigas ang mister ni Glydel Mercado na hindi para sa kanya ang pulitika.

Sa virtual mediacon para sa latest team-up nila ni Pokwang na It’s Not You, It’s Me feature sa Daig Kayo ng Lola Ko series sa GMA-7, sinabi ni Tonton na maging si Glydel, alam na wala siyang kabalak-balak sumabak sa politics.

Paliwanag pa niya, “No, I have friends who are in politics. Pero sabi ko nga, parang mukhang hindi nasa dugo ko ’yung politics, ’no. But I’d rather help people in my own little way than be in politics.

“So hands off ako diyan. Gusto ko lang ano, simpleng buhay lang ako. Gusto ko lang tahimik. Merong nag-aaya, even in our province in Pampanga, merong mga, you know, nagpapasaring or nagtatanong, ‘gusto mo bang pumasok sa politics?’ pero sabi ko, ‘no, pass ako diyan.’

“I leave it to our politicians. Dito lang ako,” diin ng aktor.

If at all, happy si Tonton na may mga trabaho pa rin siya sa gitna ng pandemya. Elated daw siya na makatrabahong muli si Pokwang sa It’s Not You, It’s Me, kung saan mag-asawang nagkakaproblema ang papel nilang dalawa.

Puring-puri ni Tonton ang komedyana dahil malaki raw ang ihinusay pa mula nang huli silang magkasama sa isang proyekto.

May drama scene nga raw si Pokwang sa It’s Not You, It’s Me na talagang pinalakpakan ng buong production team.

“Napakagaling,” sabi pa ni Tonton tungkol sa kapareha.

Ang It’s Not You, It’s Me ay kabilang sa fresh episodes ng Daig Kayo ng Lola Ko at napapanood tuwing Linggo ng gabi, alas-siyete, sa Kapuso channel.

AUTHOR PROFILE