Toni sa P10-M TF: Tuwing kailan ’yan, 15-30, every month o every year?
Maituturing na isa sa pinakamalaking desisyon ni Toni Gonzaga sa buhay ang paglipat sa bagong network na AllTV na pag-aari ng pamilya ni former Senator Manny Villar.
The moment nga na nabalita ang paglipat niya ay napakarami na agad ispekulasyon tulad ng tumataginting daw na P10 million ang talent fee niya.
Isa ito sa mga naitanong kay Toni kahapon sa solo presscon niya para sa kanyang bagong show sa AllTV na Toni.
Natatawang balik-tanong niya agad, “Tuwing kailan ‘yan (ang P10M na talent fee), 15-30, every month o every year?”
Seriously, sey ng TV host, “I think, siguro, normal ‘yun na when you make a major decision, when you move to a network, when you sign a contract to a new family, maraming speculations about ‘yung mga ganyan, monetary issues.
“But we also have to consider na we also reach a point in our life na ‘yung mga decision-making natin is not just based on, you know, what I will profit from it, but you know, where your heart is really leading you.
“So parang I was led to this decision, of making this major decision and I am really grateful kasi I’m sure you have witnessed some of the events in my life that have happened recently.”
Dahil nga sa sunud-sunod na turn of events, naging malinaw daw talaga for her na ito ang bagong daan na kanyang tatahakin,
“It has been very clear for me to take this leap of faith and this next step in my career. So, ‘yun, parang naging malinaw lahat. Kasi alam mo, eh, ‘pag papunta ka na du’n sa panibagong chapter ng buhay mo, malinaw ‘yung daan. ‘Pag maraming mga aberya, parang it’s not meant for you.
“But this one, it was very clear and it’s not something that I was looking for in the beginning, it was not something na I wanted, but it was something that was laid out to me, and parang sabi ko, ‘ah, ito na siguro talaga ‘yung next step ng career,” pahayag ni Toni.
At dahil nga sinunod niya ang kanyang puso sa pagdedesisyon, kahit napakaraming kumukontra at kung anu-anong akusasyon ang ibinato sa kanya, hindi na niya hinayaang maka-bother ang mga ito sa kanya because she has peace in her heart.
Bagama’t nagkaroon ng issues sa pagitan niya at ng ABS-CBN, nilinaw ni Toni na wala siyang sama ng loob sa dating network.
“I guess, siguro, ‘yung nangyari, it’s very internal, that’s something that I really cannot share because very internal ‘yung mga nangyari. There were so many things that have happened that I will not share because… ‘wag na lang, ‘wag na lang nating pag-usapan ‘yun.
“But ‘yung pagdating du’n sa kung may sama ng loob kahit kanino, wala, wala nang ganu’n. I choose to move forward and instead of magkaroon ng sama ng loob, maging grateful na lang tayo kasi lahat naman ng nangyayari sa buhay natin is a preparation kung anong susunod na gagawin mo sa next chapter.
“So, mas grateful ako sa mga nangyari in the past. Siguro, ‘yun ‘yung aking state ng puso. I’m grateful that everything happened, how it happened and why it happened because it has led me where I am today,” she said.
Asked kung masasabi ba niyang walang tulay na nasunog sa pagitan nila ng ABS-CBN, ayon sa TV host, “I don’t know, hindi ko masasagot ‘yan sa ngayon. But I’m in contact with my (former) bosses, so we exchange messages. I think that’s good enough na we know the real story and we know the truth. I respect kung anuman ang napag-usapan.”
Kasalukuyan na ngang napapanood ang reali-talk show niyang Toni sa AllTV daily at 5 p.m.
Aniya, dream come true for her ang nasabing show at maku-consider na isang milestone for her career as she also celebrates her comeback on national television and her 20th anniversary in showbiz.