Toni

Toni, ikinumpara kay Lady Gaga

June 30, 2022 Ian F. Fariñas 103 views

NAG-TRENDING sa Twitter si Toni Gonzaga at ang Pambansang Awit na Lupang Hinirang matapos niya itong kantahin sa inagurasyon ni Presidente Bongbong Marcos Jr. na ginanap sa National Museum kahapon.

Gaya ng inaasahan, nabuhay ang mga basher ni Toni na nakuha siyang ikumpara sa sikat na international singer na si Lady Gaga.

Matatandaan na si Lady Gaga ang umawit ng national anthem ng Amerika sa inauguration noon ni US President Joe Biden.

Sabi ng isang Toni hater, kailanman ay hinding-hindi magiging Lady Gaga ang singer-actress.

Pero kung may bashers, siyempre, may pro-Toni rin na bumati sa tinawag nilang simple at pangmalakasang pagkakaawit niya ng Lupang Hinirang.

Umalingawngaw nga sa paligid ng National Museum ang boses ni Toni habang kinakanta ang Pambansang Awit na suot ang elegante at puting Filipiniana gown.

Natabunan nga ng singer-actress ang partisipasyon ng kapwa singer-actress na si Cris Villonco na naatasan namang kumanta ng inauguration song na Pilipinas Kong Mahal kasama ang Young Voices of the Philippines Choir.

Pumasok ang performance ni Cris at ng choir habang nasa stage at nagpapakuha ng souvenir photo ang pamilya Marcos na binubuo nina former First Lady Imelda Marcos, Sen. Imee Marcos, Borgy Manotoc, Irene Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at ang tatlong anak na sina Sandro, Simon at Vincent.

AUTHOR PROFILE