Toni, ’di nababahala sa awayang Alex at Dina

December 15, 2022 Vinia Vivar 170 views

AlexDina

Hindi nababahala si Toni Gonzaga sa pagkabuhay ng away ng nakababatang kapatid niya na si Alex Gonzaga at ang beteranang aktres na si Dina Bonnevie tungkol sa isyu na diumano’y may attitude ang kanyang younger sister.

Ayon kay Toni, alam naman niya ang totong istorya sa mga issue ni Alex dahil ikinukwento naman ito sa kanila ng kanyang kapatid.

“Eh, kilala ko naman si Alex. Alam ko ‘yung totoong istorya, alam ko ‘yung totoong nangyari. So, bago pa minsan lumabas, sasabihin na niya na ‘ito, iaano ‘to, palalakihin pero ganito talaga ‘yung totoong nangyari.’ ‘O, ito, iuungkat nila pero 2008 pa ‘yan. Pero kaya ganito ‘yan kasi galing ako sa ganito, tapos pumunta ko ro’n,’ paliwanag ni Toni sa mediacon ng My Teacher na official entry sa Metro Manila Fim Festival 2022.

As we all know ay nagkaroon dati ng isyung natalakan daw ni Dina si Alex dahil sa pagiging late nito sa teleseryeng kanilang ginagawa that time.

Nabuhay ang issue dahil na rin sa naikwento na rin finally ni Alex recently sa kanyang podcast ang tungkol dito.

Although wala naman siyang binanggit na si Dina ang tumalak sa kanya, ito agad ang pumasok sa isip ng netizens dahil may ganito ring kwento ang veteran actress noon na wala ring mini-mention na artista.

KINILALA

Bukod sa pagiging top-rating at trending gabi-gabi, award-winning na rin ang GMA primetime series na Maria Clara at Ibarra.

Sa first-ever Gawad Banyuhay 2022, pinarangalan ang serye ng Gawad Banyuhay ng Programang Pang-edukasyon.

Mismong si Binibining Klay (Barbie Forteza) ang personal na tumanggap ng award noong December 12 sa Manila Hotel.

Ang Gawad Banyuhay ay kumikilala sa mga indibidwal o grupo na nagsisilbing magandang halimbawa at inspirasyon sa ibang tao sa pamamagitan ng iba’t ibang serbisyo o gawain.

Talaga namang dasuurvvv ng Maria Clara at Ibarra ang mas marami pang pagkilala.

Congratulations, mga Kapuso!

AUTHOR PROFILE