Toni

Toni, dedma sa pagka-cancel ng netizens … ‘what’s important is you never cancel yourself’

July 15, 2021 Vinia Vivar 304 views

Ibinahagi ni Toni Gonzaga na naranasan na rin niya ang cancel culture sa social media. Inamin niya ito sa kanyang panayam kay Will Dasovich para sa Superhuman podcast ng vlogger and former Pinoy Big Brother housemate.

Ang terminong “cancel” sa social media ay ginagamit sa mga celebrity o kilalang personalidad at parang katumbas na rin ito ng boycott o pagtigil sa pagsuporta.

Napag-usapan kasi nila ang cancel culture sa socmed at ayon nga kay Will, nakakatakot ito among celebrities or public figures dahil pwedeng mawala ang lahat ng pinaghirapan mo by getting cancelled.

Sey naman ni Toni, “I have been cancelled for 20 years of my life!”

Natawa si Will na parang hindi makapaniwala.

Patuloy ni Toni, “Last year, I’ve been cancelled for one whole year during the pandemic. People tell me or my sister would tell me, ‘you’re trending, people are cancelling you.’ Again? They’ve been cancelling me for 20 years!”

Pero ayon kay Toni, ang importante hindi niya kina-cancel ang sarili niya.

“No matter how many people or how many times you were cancelled by other people, what’s important is you never cancel yourself. Everybody can be against you, but you never have to be against yourself. Because that’s the biggest betrayal,” sey ng TV host/actress.

Pinakamasakit daw kasi na betrayal ay kung sarili mo mismo ang bini-betray mo.

“Caroline Myss said that the biggest betrayal and the most painful betrayal you could ever experience is the betrayal that you do to yourself.

“They can all betray you, you can move on from that. Pero when you betray yourself, that’s hard to forgive,” ani Toni.

Kaya hindi raw masakit sa kanya kung i-cancel man siya ng mga tao as long as hindi niya kina-cancel ang sarili.

“So it is not painful for me to be cancelled by society because I don’t cancel myself.”

PAGHIHIWALAYIN

tumitibay ang samahan ng magkapatid na Joy (Francine Diaz) at Mira (Andrea Brillantes) sa kabila ng mga paninira ni Deborah (Eula Valdes) para mapaghiwalay sila sa Kapamilya teleseryeng Huwag Kang Mangamba.

Mula kasi nang malaman nilang magkadugo sila, hindi na mapaghiwalay ang dalawa at labis din ang pag-aalaga ni Joy kay Mira nang magkasakit ito.

Sa pagkalat naman ng magandang balita tungkol kina Mira at Joy, tuluy-tuloy din ang pagdami ng mga nabibigyan nila ng pag-asa at inspirasyon at ng mga tumutulong sa proyekto nila ng pagtatayo ng simbahan sa bayan ng Hermoso.

Ito naman ang ikinanggagalaiti ni Deborah lalo na’t tinitingnan niyang kakumpitensya ang magkapatid sa mga donasyon.

Kaya naman ang plano ni Deborah at ng kapatid niyang si Agatha ay ang paghiwalayin ang dalawa.

Ngayon pa lang, panay paninira ang inaatupag ni Agatha na sinasabing magkaiba ang tatay nina Mira at Joy, at na si Mira ay bunga lamang ng kataksilan ng kanilang ina.

Napapanood ang Huwag Kang Mangamba gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV at iflix.

I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode nito.

Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

AUTHOR PROFILE