Carla

Tom, uuwi para sa bagong proyekto sa 2023

October 2, 2022 Vinia Vivar 131 views

Tom

Slowly moving on na nga si Tom Rodriguez matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila ng ex-wife na si Carla Abellana early this year.

Nagpaunlak ang aktor ng panayam kay Ogie Diaz via video call na inilabas naman ng vlogger/talent manager sa vlog nila ni Mama Loi.

Kasalukuyan pa ring nasa US si Tom at matatandaang umalis siya ng bansa nitong nakaraang Marso matapos silang maghiwalay ni Carla.

Unang tanong ni Ogie kay Tom ay kung kumusta na ito at masayang sagot ng aktor, “’Eto, nasa Las Vegas, ini-enjoy ‘yung birthday week ko.”

Kaarawan ng aktor nu’ng Saturday, Oct. 1, kaya natanong din siya kung ano ang birthday wish niya.

“Actually, halos lahat ngayon natupad na, Sir Ogie. Like I’ve been through a ‘dark night of the soul’ these past few months. And a lot of things that I didn’t think I would make it through.

“But my family has been all throughout. The kindness of strangers, people I’ve just met, people I’ve known before who have truly helped me along,” pahayag ni Tom.

“Kaya sabi ko nga, I never felt I was alone throughout the whole process. Kahit kung gaano kahirap minsan,” he added.

Aniya, masaya na siya ngayon at sana ay magtuluy-tuloy na pati na rin ang pagbabalik ng respeto niya sa sarili.

“I’m happy. So, right now, wala na. Sana continuous na lang. Sana, I can keep going in this new path, in this new chapter of my life na may respeto sa sarili ulit and I can keep continue towards the righteous path,” pahayag ni Tom.

Tinanong ni Ogie ang aktor kung nawala ba ang respeto nito sa sarili.

Sagot niya, “May mga points, may mga times. Pero I’m glad that it’s not the case anymore.”

Pagbabahagi pa ng aktor ay sobrang nag-i-enjoy daw siya ngayon sa US.

Sa tanong kung babalik pa siya sa Pilipinas, sey ni Tom, “Of course, mahal na mahal ko ang Pilipinas. Babalik ako diyan. In fact, I think my home network, GMA, has been kind enough to support me rin through it all.”

Baka next year daw siya umuwi at may proyektong kailangang paghandaan.

Asked kung wala na ba siyang ibang wish, he said, “Just hopefully, like happy, healthy hearts and healing for everyone. I mean, everyone in the world. Na sana, mapatawad nating lahat ang mga sarili natin, first and foremost, at ang isa’t isa.”

Tinanong din ni Ogie si Tom kung may communication na ba ito kay Carla at aniyang nakangiti, “I would rather refrain na lang po from commenting. Well, I’ll just say that I’m happily moving on in my own path. And I hope, I wish the same for her.”

Asked kung may nagpapasaya na bang babae sa kanya, ani Tom ay hindi raw ito ang kanyang hinahanap ngayon.

“It’s not what I’m looking for right now. Right now, gusto kong buuin ‘yung sarili ko pa. Ini-enjoy ko ‘tong… na binubuo ko ‘yung sarili ko and yet I’m not stopping or closing my doors to anything, experiences or anyone here. So, I’m just enjoying my life.”

Nang punahin ni Ogie na mukhang naka-recover na siya sa kalungkutan, ani Tom, “Siguro, but hindi naman fully. I mean, it’s there pa rin. Parang ano siya, sabi ko nga, parang bonsai tree na parang araw-araw mong inaalagaan. Like the way I’m trying to curate my own thoughts, just trying to ano, keep positive.”

AUTHOR PROFILE