Tom

Tom, mabenta sa mga raket sa Amerika

August 7, 2023 Jun Nardo 217 views

BENTAHE ni Tom Rodriguez ang kanyang kaguwapuhan sa States lalo na’t hinaharana pa niya ang Pinoy ladies na matagal nang nakatira doon.

Ang raket sa pagkanta ang commitments ni Tom sa Amerika kahit na nga mas nakilala siya bilang aktor sa bansa.

Eh, sa isang event na tinawag na Fiesta Ko Sa Texas 2023 Sponsor’s Night sa Bayou Civic Event Center sa Houston, Texas, panauhin si Tom.

Siyempre, nagkandarapa ang mga Pinoy at Pinay na gusto siyang masilayan, huh!

Ang friend namin sa US na si Jush Andowitt ang isa sa naging in charge sa event at nagbalita sa kanyang Facebook account kasama ang ilang pictures ni Tom na full smile, huh!

Parang wala siyang problema!

Dahil wala pa namang project dito at tila hindi pa ready si Tom na harapin ang issues sa kanila ng former wife na si Carla Abellana, sa States muna siya rumaraket lalo na’t nandoon din ang kanyang pamilya.

Nakakaligtas pa siya sa mga Marites sa showbiz, huh!

AUTHOR PROFILE