Tolentino Senador Francis “Tol” Tolentino.

Tolentino pasok sa Magic 12

August 10, 2023 People's Tonight 131 views

INILABAS ng OCTA Research 2023 ang senatorial survey nito ngayong second quarter ng taong ito para sa labingdalawang posibleng kandidatong senador na magwawagi o makapapasok sa “Magic 12” sa darating na 2025 midterm elections.

Batay sa resulta ng survey, si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo ang may istatistikal na tsansang manguna sa halalan, kung ngayon ito gagawin, sa nakuha niyang 73 porsiyento.

Karamihan ng mga posibleng manalo sa nalalapit na seenatorial election ay mga kasalukuyan o dating miyembro ng Senado, ayon sa OCTA.

Pumapangalawa si Senator Christopher “Bong” Go na may 55 porsiyento, sinundan ni dating Senador Vicente “Tito” Sotto III na nasa 3rd hanggang 4th place, na may 49 percent.

Samantala, nakatanggap naman ng 44 percent si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na pumuwesto sa ika-3 hanggang ika-5.

Napunta si Senador Imee Marcos sa ika-4 hanggang ika-6 na puwesto, na may preference sa pagboto na 43 porsiyento.

Nakuha ni dating Senador Manny Pacquiao ang 5th hanggang 10th place na may 38 percent.

Nakibahagi sa ika-6 hanggang ika-10 puwesto sina Senador Pia Cayetano (37 porsiyento), Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. (36 porsiyento), dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso (35 porsiyento), at Senador Manuel “Lito” Lapid ( 33 porsyento).

Si dating Senador Panfilo “Ping” Lacson ay may nakuhang preference sa pagboto na 26 porsyento (ika-11 hanggang ika-13 puwesto) habang nananatiling matatag sa nakuhang 23 porsiyentong suporta ng mamamayang botante (ika-11 hanggang ika-15 puwesto) si Senador Francis “Tol” Tolentino.

Ang “Tugon ng Masa” survey fieldwork ay isinagawa mula Hulyo 22 hanggang 26, gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 respondents na may edad 18 pataas.

AUTHOR PROFILE