Tolentino Senator Tolentino

Tolentino: Pag-amyenda sa discriminatory provisions ng ‘Doble Plaka’ Law, umuusad

September 1, 2024 People's Tonight 174 views

TULOY ang pag-abante ng panukalang mag-aamyenda sa ‘Doble Plaka’ Law!”

Ito ang siniguro ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino, matapos silang magkasundo ni 1-Rider Party-List Representative Bonifacio Bosita para pagtulungang isulong ang kapakanan ng milyun-milyong motorcycle riders sa mga nalalabing sesyon ng 19th Congress.

Sa programang Usapang Tol, pinasalamatan ni Bosita ang senador sa pamumuno nito sa pagpasa ng Senate Bill No. (SBN) 2555 na mag-aamyenda sa Republic Act (RA) 11235, o Doble Plaka Law.

Sa botong 22-0 ay ipinasa ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. (SBN) 2555, na inisponsor ni Tolentino, noong Hulyo 29.

“Maraming salamat sa inyong pagpasa sa panukalang mag-aamyenda sa Doble Plaka. Dahil kung babasahin mo yung batas, ay para bang napakasama ng motorcycle riders, na hindi naman totoo,” ayon kay Bosita.

Bilang tugon, pinasalamatan ni Tolentino si Bosita, at sinabing nakahanda syang tumulong para alisin ang mga di makatwirang polisiya na nag-didiskrimina laban sa milyun-milyong motorcycle riders.

Samantala, ibinahagi ni Bosita na pumasa na sa committee level ang House counterpart ng SBN 2555, at nakatakda na rin itong ikalendaryo sa plenaryo.

“Aantabayanan natin ang pagpasa nyan para mai-reconcile kaagad sa bersyon ng Senado sa bicameral level, nang makatulong naman tayo sa mga kababayan nating riders,” ani Tolentino.

Nauna rito ay pinuna ng senador ang plano ng Land Transportation Office (LTO) Region 7 na hulihin ang mga motorsiklong gumagamit ng improvised licensed plates magmula Setyembre 1.

Hindi umano maintindihan ni Tolentino ang lohika ng direktiba ng ahensya, gayung di pa naman nito nareresolba ang milyong backlogs nito sa pag-iisyu ng mga opisyal na plaka.

AUTHOR PROFILE