
Tolentino dinalaw daan-daang nasunugan sa Biñan, Laguna
SA gitna ng kampanya ay personal na binisita ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang daan-daang residenteng nasunugan sa Gonzalez Compound, Sitio Pulo, Barangay Dela Paz, Biñan, Laguna.
Nauna rito’y nagsagawa ng motorcade ang senador Miyerkules ng umaga mula Muntinlupa tungo sa iba’t ibang lokalidad sa lalawigan ng Laguna.
Ngunit nang malaman ni Tolentino na may kagaganap lang na sunog na tumupok sa 60 bahay sa Biñan, ay nag-desisyon siyang baguhin ang ruta ng motorcade para puntahan ang naturang lugar.
Sumakay sa tricycle at naglakad papasok sa makitid na mga daan ang senador para marating ang Gonzalez Compound, Sitio Pulo at kinausap ang mga biktima ukol sa kanilang kundisyon at kung paano makapaghahatid ng tulong.