Default Thumbnail

TODA: May tricycle kahit ECQ

August 2, 2021 Jun I. Legaspi 992 views

TULOY ang biyahe ng mga tricycle sa panahon ng enhance community quarantine mula August 6-20, 2021, ayon sa Tricycle Operators Driver’s Associations(TODA).

Sa text message ni Jorge Alcantara, national president ng TODA 1 Manila Federation, tiniyak nito na bibiyahe ang lahat ng kanilang mga opisyal at members upang may masakyan ang publiko.

Tiniyak din ni Alcantara na susunod sila sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) na balik sa isang pasahero lamang at walang back rider ang mga tricycle.

Sa hiwalay na interview sinabi naman ng Metro Manila Tricycle Associations, susunod sila sa lahat ng healthy protocols na ipatutupad ng (IATF).

Ayon sa grupo, posibleng humingi sila ng dagdag na pamasahe dahil special trip ang bawat biyahe at tumaas na naman ang presyo ng petroleum products kada litro.

Ayon pa sa grupo, essential ang mga tricycle dahil kahit sa malilit na street ay pwedeng ihatid ang mga pasahero lalo na yung mga magpapabakuna, at mga bibili ng kanilang mga gamot o maintenance.

Nauna rito tiniyak din ni Department of Interior and Local Government (DILG) spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na patuloy na bibiyahe ang mga tricycles sa panahon ng ECQ.

AUTHOR PROFILE