TNT

TNT, may pa-kilig-saya at libreng LRT-1 ticket pass

July 15, 2021 People's Tonight 174 views

Tiyak na maraming daily commuters ng LRT-1 ang kikiligin at matutuwa dahil sa Lunes, July 19, mamimigay ng one-way ticket pass mula Baclaran Station hanggang Balintawak ang TNT, ang pinakamalaking prepaid brand sa bansa.

Magsisimula ito ng 8 a.m. kung saan libre para sa unang limang daang pasahero per station ang kanilang sakay sa LRT-1.

Binansagang “Kilig-Saya Express,” makulay na binihisan ang LRT para ilunsad ang bagong kampanya ng TNT kasama ang mga sikat na ambassadors na sina Sue Ramirez, Popstar Royalty Sarah Geronimo at Thai idols na sina Nonkul Chanon (Bad Genius), Gulf Kanawut (TharnType: The Series) at Asian superstar na si Mario Maurer (Love of Siam, Crazy Little Thing Called Love at Pee Mak).

Kasama sa mga istasyon ang Baclaran, EDSA, Libertad, Gil Puyat, Vito Cruz, Quirino, Pedro Gil, UN Avenue, Central, Carriedo, Doroteo Jose, Bambang, Tayuman, Blumentritt, Abad Santos, R. Papa, 5th Avenue at Balintawak.

Hanapin lamang ang TNT booth na matatagpuan sa mga nasabing istasyon.

“Nais ng TNT na magbigay ng simpleng kasiyahan at pagpapahalaga sa aming mga subscriber. Ang TNT Libreng Sakay promo sa LRT-1 na tinawag naming ‘Kilig-Saya Express’ ay aming handog sa mga TNT ka-tropa na patuloy na tumatangkilik sa aming mga produkto at serbisyo,” ani ni Miriam Z. Choa, FVP at head ng Prepaid Marketing ng Smart Communications Inc.

Ang tinaguriang “train event of the year” ay hatid ng bagong TNT promo ang Double GIGA Video.

I-download lamang ang GigaLife App sa AppStore or GooglePlay para mag-enjoy ng 14GB data na maaaring gamitin para mapanood ang inyong mga paboritong video sa YouTube, Cignal Play, iWant at NBA.

May kasama pa itong bonus na 2GB open access for seven days. Kaya’t parang isang linggong saya ang hatid ng TNT.

Para naman sa mga libreng ticket holder sa July 19 na magpo-post ng kanilang libreng ticket hashtag #TNTKiligSaya sa Facebook, Twitter at Instagram, makakatanggap kayo ng additional 50% discount sa Double GIGA Video 99.

Ipakita lamang ang inyong post sa TNT booth para makuha ang promo.

AUTHOR PROFILE