Titulo ng DongYan aagawin ng KathDen
Masaya si Marian Rivera sa success na tinatamasa ngayon ng pelikulang “Hello, Love, Again” na pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.
Sa panayam ng “24 Oras” ay binati mismo ni Marian ang KathDen sa tagumpay sa box office.
“Congratulations sa kanila. Sabi ko nga, after the ‘Balota,’ nakakatuwa kasi ito na ‘yung momentum ng mga tao na talagang sumusuporta ng mga pelikulang Pilipino,” sey ni Marian.
Wish ng aktres na magtuloy-tuloy na ang magandang kita ng ating local movies.
“Sana ipagpatuloy ng mga Pilipino ang pagsuporta sa kapwa natin,” hiling niya.
Base sa pinakahuling ulat, as of Nov. 18, humahamig na ng P566 million ang “HLA” sa Pilipinas at malaki ang posibilidad na malampasan nito ang gross ng pelikulang “Rewind” na pinagbidahan naman ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian.
Ang “Rewind” ang may hawak ng record ngayon bilang “Highest Grossing Philippine Film of All Time” dahil kumita ito ng more than P889 million sa Pilipinas at P1.2 billion worldwide.
Matatatandaang naagaw ng “Rewind” ang nasabing record sa “Hello, Love, Goodbye” na unang pelikula ng KathDen na nag-gross ng P880M worldwide.