Default Thumbnail

‘Tisay’, natagpuang dedo sa Liwasang Bonifacio

June 7, 2023 Jonjon Reyes 338 views

ISANG babae ang nadiskubreng nakahandusay at wala nang buhay ng mga nagpapatrolyang tauhan ng Lawton Police Community Precinct (PCP), Miyerkules ng umaga sa Liwasang Bonifacio, Plaza Lawton, Ermita, Maynila.

Napag-alaman at itinago muna sa alyas “Tisay” ang pangalan ng biktima, ng Barangay 659-A, Ermita sa lungsod, ayon sa isang tricycle boy.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, commander ng Manila Police District (MPD) Station 5, bandang 9:40 ng umaga, nang madiskubreng patay na ang biktima sa nasabing lugar.

Ayon sa mga tauhan ng Lawton PCP, sakop ng Station 5, habang nagsasagawa sila ng “Oplan Galugad” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) sa kanilang nasasakupan, dito na nila natagpuang si “Tisay” na patay na umano.

Agad naman kinordon ang area bago pa man tumawag sa himpilan ng MPD Homicide Section sa ilalim ni P/Cpt. Dennis Turla, kung saan kasama ang grupo ng Forensic Unit (SOCO), ay agad na nagtungo sa pinangyarihang lugar upang makakalap ng ebidensiya.

Gayunman, pansamantalang inilagak ang bangkay sa Body & Light Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya.

AUTHOR PROFILE