Default Thumbnail

Tirador timbog sa pulis

July 6, 2023 Jonjon Reyes 229 views

DAHIL sa social media naaresto ng mga pulis ang isang 32 anyos na binata sa mga serye ng pagnanakaw sa kanilang lugar sa Sta. Ana, Manila kayat inaresto ito ng mga tauhan ng District Special Operation Unit ng Manila Police District noong Miyerkoles ng gabi Oro-B at Estrada St. sa Sta.Ana.

Kinilala ni MPD- Director , Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang suspek na si Ruel Gariando, pintor, ng Barangay 700 Zone 84, Sta.Ana.

Ayon sa ulat ni Police Major Rommel Reyes Purisima, hepe ng DSOU, bandang alas 8:30 ng gabi nang hulihin ang binata dahil sa pagdadala nito ng baril.

Matapos mahuli, nadiskubre na may ninakawan din ang suspek na isa sa kanyang kapitbahay.

Nakuha sa pagnanakaw ang Huawei Nova 7i na nagkalahalagang P11,000 at cash money.

Naaresto ang kawatan matapos makita ang account nito sa social media.

Napag alaman pa ng pulisya na dalawa pang complainant ang lumutang sa tanggapan ng DSOU para magsampa ng reklamo laban kay Gariando.

Nahaharap sa kasong pagnanakaw ang suspek.

AUTHOR PROFILE