‘Tirador’ ng motorsiklo sapul sa CCTV sa Paco

November 30, 2021 Francis Naguit 193 views

HINDI nakapalag ang isang 31-anyos na umano’y tirador ng motorsiklo nang bitbitin ito ng mga tauhan ng Manila Police District makaraang ireview sa Closed Circuit Television (CCTV) ang ginawa umano nitong pagnanakaw sa harap ng bahay nang may ari sa Paco, Manila nitong gabi ng Nobyembre 28

Nakilala ang suspek na si Jefferson Picazo, pizza maker,binata, ng 1530 2nd St., Fabie Estate, Paco.

Batay sa ulat ng MPD – Sta.Ana Police Station 6, kinuha umano ng suspek ang motorsiklo ng biktimang si Denson James Hilario, 30, may asawa, self-employed at residente ng Road 20 Onyx St., Paco.

Ayon sa salaysay ni Hilario, hiniram lamang umano nito ang itim na Yamaha Mio 125 at nang ipark nito ang sasakyan sa tapat ng kanyang bahay, naiwan umano nito ang susi ng motorsiklo. Sa rekord ng CCTV, naitala ang oras nang pagtangay dakong 11:45 ng hatinggabi nitong Linggo.

Sa tulong ng CCTV sa lugar , nakita ang isang lalaki na tangay tangay ang motorsiklo.

Dakong 11 p.m. nang mamataan si Picazo na lulan ng motorsiklong ninakaw nito.

Dahil dito, tuloy tuloy sa presinto ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 (carnapping /motornapping). Francis Naguit & Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE