
TIKTOK STAR OF THE DAY
KAPAG pinaghalo mo ang tapang at tikas, siguradong pangalan ni Tamara Ocier ang lalabas! Hindi lang siya isang pretty face sa TikTok — isa siyang tunay na palaban, may paninindigan at pangmalakasang confidence na hindi lang basta pa-cute.
Bawat post niya ay may dalang mensahe: ang isang babae ay puwedeng maging malakas, matalino, at kaakit-akit nang sabay-sabay!
Sa kanyang TikTok, hindi lang siya nagpapasabog ng good looks, kundi nagpapakita rin ng empowerment na swak sa modernang panahon.
Kung gusto mong makakita ng isang babae na kayang sabayan ang kahit sinong bigatin, huwag magpahuli at i-follow si Tamara sa handle niyang @tamara.ocier. Dito, bawal ang mahina — dapat confident at unapologetic!