
TIKTOK STAR OF THE DAY
MAY mga babae na pang-rampa, may mga babae namang pang-laban, pero si Amanda Russo, kaya niyang pagsabayin ang dalawa!
Sa bawat post niya sa TikTok niyang may username na @amanda.lee29, hindi lang face card na walang mintis ang kanyang bitbit, kundi pati angas ng isang tunay na sporty stunner.
Habang ang iba ay nag-e-effort para magpaka-chic, si Amanda effortless na nagpapasabog ng charm kahit naka-sportswear lang! May finesse sa galaw, may tapang sa titig — isang kombinasyon na parang winning goal sa last second ng laro!
Walang duda, Amanda Russo ang bagong MVP — Most Valuable Pampakilig!