
TIKTOK STAR OF THE DAY
TINITINGALA ang pagiging bituin ng TikTok star na si Madel Nuiz Tim dahil sa kanyang charm na talaga namang may kinang sa social media.
Mapapahinto ka sa pag-scroll kapag natapat ka sa kanyang nakaaaliw at mga sexy contents sa account niyang @madelnuiztim na may higit 100K nang followers. Mula sa pagsayaw, lifestyle contents, lip syncing, kayang-kaya niya ipakita.
Iba rin ang atake niya sa kanyang Instagram account na @madelnuiztim, bukod sa lifestyle content, halimaw din sa paseksihan si Madel sa mga post niya. Talaga nga namang sumisirit ang taglay na alindog ng social media star sa pagbabandera niya ng kanyang sexy body.
Pero hindi lang bikini body ang kayang maipamalas ni Madel dahil kung isapin lang din naman ng ganda, “face card never declines” diyan ang ating bida. Makikita nga iyan sa talaga namang pinupusuan ng netizens na selfies niya.
Sa dami ng kayang ipakita ni Madel, hinding-hindi ka magsasawa. Hindi mapipigilan ang TikTok star na ito na mamayagpag sa social media sa dami ng pwede niyang ibida.