Olga5

TIKTOK STAR OF THE DAY

October 4, 2023 People's Tonight 134 views

OlgaOlga1Olga2Olga3Olga4OLGA has a glowing aura. Ang TikTok star ay “expensive look” ang datingan, kaya naman sa TikTok ay kayang-kaya makipagsabayan.

Si Olga Balaba o mas kilala ng kanyang mga social media followers bilang “lil buddie” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong halos 408 thousand followers at 5.3 million likes sa kanyang account na may username na @lill_buddiesksk. Bukod pa rito, sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @_mofaaab, na mayroon nang higit eight thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook. Ang kanya ngang page na Lecxa Mendoza ay mayroong higit seven thousand followers ngayon.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, perfect body and, lip syncing skills, lifestyle contents, pagiging fashionista, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Nakilala rin si Olga sa kanyang mga relatable student contents. Kasalukuyan ngang nag-aaral ang dalaga sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Tourism Management sa STI College Global City.

Hindi maipagkakailang patuloy lang sa pag-glow ang ngalan ni Olga sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga.

AUTHOR PROFILE