
TIKTOK STAR OF THE DAY
BOTONG-BOTO nga sa kanya ang netizens sa husay ng TikTok star na si Romelyn Gascon sa pagiging digital creator.
Sa nasabing video-sharing app, milyun-milyon ang nakaabang sa kanyang mga inilalabas na contents. Ang account niya ngang @romelyn1123 ay pumalo na sa higit 3.3 million ang followers at 34 million likes.
Patunay lang ang nabanggit na mga numero na mabenta sa madla ang kanyang pasabog na videos. Kabilang na rito ang beauty at skin tips contents, kanyang pagli-lip sync sa mga viral songs, at kung anu-ano pang pakulo na kaya niyang i-serve sa fans.
May angas ang alindog ni Romelyn, maging sa Instagram ay inaabangan kung ano ang ilalabas niya. Winner ang mga pasabog selfies nito at kaseksihan sa mga bikini photos.
Sa IG account niyang @romelyn.eleccion, talaga namang mapapatambay ang mga male fans pata paulanan ng puso ang kanyang posts.
Umaagos din ang brand partners ng social media star. Makikita sa kanyang pages ang pagpopromote ng dalaga sa iba’t ibang produkto.
Ang content creator na tulad ni Romelyn ay patuloy na kikinang at susuportahan ng kanyang mga tagasubaybay dahil sa kaya niyang ihain sa kanila.