
TIKTOK STAR OF THE DAY
KABOGERA kung umawra sa harap ng camera ang TikTok star na si Pia Alexa Aniciete.
Patok ang kanyang mga lip syncing video sa audience niya sa nasabing social media platform. Todo kung ibandera niya ang kanyang gandang Pinay sa mga contents.
Sa TikTok account niyang @piaxiang na may higit 180 thousand followers, game na game maki-join ang social media star sa mga viral sounds, templates at effects.
Masisilayan naman sa Instagram account ni Pia na @piaaniciete_ ang kanyang taste sa pananamit at pasabog na mga selfie. Winner din ang kaseksihan ng TikTok star at ang ebidensya nito ay nasa kanyang mga bikini photos.
Kering-keri din ni Pia ang maging beauty queen, sa katunayan ay sumali na siya sa lokal na beauty pageant sa kanilang lugar.
Unti-unti nang nakikilala si Pia sa mundo ng social media at patuloy pang magniningning ang kanyang ngalan para makasabay sa mga bigating stars sa TikTok platform.